Lunes, Hunyo 20, 2011

DAWN AFTER THE DARKEST NiGHT:Chapter 1

Chapter 1:

    "Hindi pa ba gising si Devon?? Inumaga na naman siguro ng uwi ang batang 'yan, no!" napasimangot na nasabi ni Mrs. Nancy Seron ng maupo ito sa hapag at makitang ang asawa at ang panganay na si Shey lang ang naroon.

    "Good morning!" masiglang bati ni Devon na biglang sumulpot at naupo sa tabi ng ate niya.

    "O, anong oras ka na naman umuwi kagabi??" pagsalubong agad sa kanya ng ina.

    "Uhmm.. maaga pa po," sagot niyang hindi makatingin sa magulang habang pinapahiran ng butter ang sliced bread.

    "Maaga o umaga na?? Por Dios , Devon! kababae mong tao, inuumaga ka sa kalsada!" panimula ng litanya nito.

    "Mama, kaya naman po ako inuumaga ay dahil nagtatrabaho ako, hindi dahil sa gumi-gimmick ako sa mga bars na pinupuntahan ko," ang pilit niyang pagpapaliwanag.

    "Trabaho?? Kalokohan! Bakit hindi mo na lang gamitin 'yang pinag-aralan mo kesa pakanta-kanta ka d'yan sa mga bars na yan!" patuloy pa ni Mrs.Seron na isang retired private school teacher.

    "Ma, alam mo namang pangarap ko ang maging isang singer. Tinupad ko na po ang gusto niyo na kumuha ako ng Education kahit hindi ko 'yon gusto. Ngayong nakatapos na po ako, pagbigyan n'yo naman na po sana akong tuparin ang pangarap ko.." pakiusap ng twenty-four years old na si Devon na unti-unting nakakaramdam ng pagkawala ng gana.

    "Oo nga namana Nancy, pabayaan mo na lang ang anak mo sa gusto niya. Buhay niya naman 'yan eh," pagkampi sa kanya ng kanyang ama na si Mr.Victor  Seron na noon pa man ay supportive talaga sa kanyang pagkanta.

    "Kaya nagiging matigas ang ulo niyang anak mo, kinakampihan mo kasi parati!" ang pagbabaling nito ng init ng ulo sa asawa.

    Samantala, Devon could only look at her sister and shake their heads. Wala pa rin talaga ipinagbago ang kanilang ina, sa araw-araw na lamang na ginawa ng Diyos ay kasali na talaga nila sa pagkain ang panenermon nito.

    Hindi bale, Mommy, balang araw magiging proud ka rin sa akin... sumpa niya sa sarili.

Miyerkules, Hunyo 1, 2011

ikaw pa rin:chapter 27(ending)

CHAPTER 27:

Isang madaliang civil wedding ang nagbuklod kina Devon at Samuel kinabukasan din. Maraming kakilala si Samuel na tumulong mag-ayos ng mga kinakailangang papeles.

    Sa Baguio City nagtungo ang mga bagong kasal para doon ganapin ang pinakahihintay na honeymoon. Sa isang silid ng isa sa mga pinaka-class na hotels sila tumuloy. Sila ay nagpakalunod sa pagmamahal ng isa't-isa. Pagkaraan ng ilang oras ay nag-sap ang mga bagong honeymooners.

    "Sweetheart, I was really a fool to doubt you. Isa kang tunay na malinis na babae. Hindi dapat kita pinagdudahan," buong pagmamahal na sabi ni Sam.

    "Kalimutan mo na 'yon," wika ni Devon. "Ang mahalaga ay natuto tayong magpatawad sa isa't-isa. At ang pangyayaring iyon ay isang pagsubok na pinahintulutan ng kapalaran upang mapatunayan natin na talagang tunay ang pagmamahal natin sa isa't-isa. Despite everything that happened, you're still in my heart and will remain to be forever."

    "At gano'n din ako sa iyo,sweetheart. I Love you and I always will," sabi naman nito.

    Once again, she felt his mouth cover hers. It was long and soul-consuming kiss.

    Iyon na ang pagkakataong pinangarap nila at ngayon ay malaya na nilang magagawa. Ah, kay sarap palang ipadama ang pag-ibig sa kanyang minamahal kapag wala ng hadlang at wala ng katakutan.

                                                   ---- END ----

ikaw pa rin:chapter 26

CHAPTER 26:

    Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Binalak kitang kausapin pero nakita kong nagkakaunawaan na kayo ni James kaya nawalan ako ng lakas ng loob. Devon, alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Dahil sa labis na pagmamahal ko sayo ay natakot akong maagaw ka ng iba. At noong nakita mismo ng sarili kong mga mata ang lahat, masisisi mo ba akong maniwala?? Pero sa kabila ng lahat, kahit na akala kong naagaw ka na ng iba, minahal pa rin kita at hindi ka kailanman nawala diro." Itinuro nito ang tapat ng kaliwang dibdib.

    "Ngayon, kung... kung wala na akong lugar dyan sa puso mo, sabihin mo lang, kahit ano ay gagawin ko maibalik lamang muli ang pagmamahal mo para sa akin. Kung kinakailangang maghintay ako ng habang-buhay mapatawad mo lang ako ay gagawin ko," Mangiyak-ngiyak ito sa pagsusumamo.

    "Hindi mo na kailangang magintay ng habang-buhay, Samuel. Ang tunay na pagmamahal ay laging nakahandang magpatawad sa minamahal gaano man kalaki ang kasalanan nito," sabi niya.

    "Ibig mong sabihin m-mahal mo pa rin ako??" hindi makapaniwalang tanong nito.

    "Yes. I Love you and I will always do. kahit ilang panahon ding natakpan ng hinanakit ang pag-ibig na ito, hindi ito kailanman nagbago."

    Niyakap siya nito ng mahigpit. "I was a fool. Bakit ba hindi ko pinaniwalaan ang ibinubulong ng puso ko noon pa man?? Babawi ako, sweetheart. From now on, hindi na dadaigin ng insecurities at takot ang pagmamahal ko sa iyo."

    Kumawala siya rito ng may maalala siya. "Paano si Yen??"

    "I broke up with her last night. Hindi ko kayang dayain ang sarili ko."

    "Siya nga pala, sabi Ann ay mahal na mahal ka niya. Pa'no nangyari iyon?? Magpinsang-buo kayo, diba??"

    "Hindi kami totoong magpinsan. Ampon siya ng kapatid ni Daddy. Besides, hindi rin totoong kapatid ni Daddy ang ama niya. adopted child lang din ito ng lolo ko. Kaya siguro hindi magawa ni Ann na ituring akong kamag-anak o kapatid."

    But it doesn't matter now, Devon. all that matters now is the fact that we still love each other despite the pains and the miseries we went through. I Love you,sweetheart."

    "I Love you too," sagot niya.

    "Marry me??"

    "Yes," walang kagatul-gatol na sagot niya.

ikaw pa rin:chapter 25

CHAPTER 25:

    Lulugu-lugong pumanhik sa hagdan si Ann. Nang bumaba ito ay dala na nito ang ilang maleta. Kahit paano ay nakadama siya ng awa para dito.

    Matagal ng nakaalis ang sasakyan nito ay naroon pa rin sila sa sala.

    Si Tita Carmela ang bumasag sa katahimikan. Kagaya ni Daddy Julius, hindi rin niya namalayan ang paglapit nito. "Ngayong napatunayan mo ng totoo ang ipinagtapat namin ng daddy mo sa iyo, Samuel, siguro ay panahon na para ayusin mo ang naging pagkakamali mo. Malaki ang pagkukulang mo kay Devon. Mag-usap kayo." Pagkasabi niyon ay pumanhik na ito sa hagdan. Sumunod dito si Daddy Julius na binigyan muna siya ng nagpapaunawang tingin.

    Matagal na umiral ang katahimikan ng mapagsolo sila ni Samuel. Nagpapakiramdaman pa kasi sila.

    Hindi na marahil ito nakatiis dahil ito na ang bumasag niyon. "P-patawarin mo ako, Devon. Hindi naging sapat ang pagtitiwala ko sayo. Actually, hindi ko alam kung paano ako magsisimula para maituwid ang lahat ng pagkakamali ko."

    "Paano mo nakausap si Clifford?? at bakit mo naisipang kausapin siya??" tanong niya.

    "Ang totoo, hindi totoong nagkausap kami ni Clifford. Paano ko makakausap ang isang taong matagal ko ng kinasusuklaman??"

    "H-hindi ko maintindihan..."

    "Noong ngabalik si Tita Carmela mula sa firm ninyo at ipinagtapat sa akin ang totoong nagyari ayon sa salaysay mo, gusto ko ng paniwalaan ang lahat. Pero bumabalik sa alaala ko ang pag-amin mo noon kaya isang bahagi ng isip ko ang tumutol na maniwala sa sinabi ni Tita."

    "Nasabi ko lang naman iyon noon dahil sa sama ng loob. Masakit iyon para sa akin dahil ako na nga ang biktima ay ako pa ang naging masama," mangiyak-ngiyak na sabi niya.

    "I'm really sorry. Nabulagan ako ng labis na paninibugho. Pero ng muli kang bumalik dito, naobserbahan kong sa tuwing nagkakaharap kayo ni Ann ay parang natatakot siya habang ikaw naman ay laging parang nanunumbat ang mga mata. At noong nagtalo kayo sa pool, pilit ko siyang pinaamin pero matigas siya. Kaya nag-isip ako ng paraan. Noon pa kasi ako naghihinala. Ang ginawa ko kanina ay isang paraan para mahuli ko siya. Ginawa ko iyon dahil hirap na hirap na ang kalooban ko."

Linggo, Mayo 29, 2011

ikaw pa rin:chapter 24

CHAPTER 24:

    Nagpabali-baliktad na si Devon sa kanyang higaan. Alas-dose na ng gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

    Nang mabagot ay bumangon siya at lumabas ng kanyang kwarto. Magtitmpla na lang siya ng gatas. Baka sa pamamagitan niyon ay aantukin na siya.

    Pababa siya ng hagdan ng may marinig siyang tunog ng humintong sasakyan. Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Ann. Halatang lasing ito dahil pagewang-gewang ito ng lakad.

    "Hello, Ann. Madaling-araw na, ah. Mukhang nalibang ka sa gimmick," bati niya rito.

    Hindi pa man nakakasagot si Ann ay narinig niya ang galit na tinig ni Samuel.

    "Bakit ngayon ka lang, Ann?? Uwi pa ba ito ng isang matinong babae?? At lasing na lasing ka pa. Paano kung naaksidente ka dahil sa pagmamaneho ng lasing??"

    "Khailangan khong mhaglibang, Samuel. Hindi mhon ba halam ghaano khasakit sha hakin hang phakikipagrelasyon mho khay Yhen??" sabi nito. Yen pala ang pangalan ng bagong girlfriend ni Sam.

    "You're jealous of Yen?? Kaya pala kinausap mo siya ng lingid sa kaalaman ko at tinakot mo pa siya. Pero nagkamali ka ng akalang siya ang pakakasalan ko." Lumapit ito sa kanya at inakbayan siya. "Hindi si Yen ang pakakasalan ko, Ann. Si Devon ang tanging babaeng gusto kong pakasalan."

    Sukat sa sinabi nito ay bigla itong sinugod ni Ann. "How dhare yhou, Shamuel! Khitang-kita mo ang kataksilan ni Devon lhimang thaon nha hang nhakakaraan. Hindi shiya mhagiging mhatapat nha hasawa sha hiyo!"

    "Come on, Ann. Alam ko na ang totoo. Nakausap ko na si Clifford," sabi ni Sam.   

    Kitang-kita niya ang pag-iiba ng kulay ng mukha ni Ann. Waring biglang nawala ang kalasingan nito. Biglang tumuwid ang dila nito ng magsalita. "S-samuel, nagawa ko lang naman iyon dahil... dahil mahal na mahal kita. Masakit kasi na narito lang naman ako pero sa iba ka pa natutong magmahal. I... I Love you, Samuel, hindi bilang kapatid o kamag-anak. I Love you very much. I want to be your wife."

    Nagimbal siya sa narinig. Paanong ngyaring natutuhan nitong ibigin si Samuel gayong alam nitong pinsang-buo nito ang binata??

    "Sinasabi ko na nga ba. Hindi lamang pagtinging-kapatid ang inuukol mo kai Samuel," wika ni Daddy Julius. Hindi niya namalayang ang paglapit nito. "Itinuring ka niyang kapatid pero isa ka palang malisyosang ahas. At ikaw nga ang pala talaga ang may kagagawan ng lahat. Siguro ay panahon na para lisanin mo ang tahanang ito. At dahil iginagalang ko pa rin ang katotohanang parang anak ka na rin ng yumao kong kapatid, bibigyan pa rin kita ng halagang magagamit mo sa pagbabagong buhay mo."

    "Daddy, patawarin ninyo ako. Hindi ko naman sinadyang pag-ukulan siya ng ganitong pagmamahal," umiiyak na pagmamakaawa ni Ann.

    "Umalis ka na lang sa poder ko, Ann. Dahil habang narito ka, hindi malayong makagawa ka uli g mga bagay na sisira sa buhay ni Samuel. Minahal ka pa naman namin ng totoo. Isa ka palang ahas," galit na sabi ni Daddy Julius. "Sa pag-alis mo, bibigyan kita ng karapatan na dalhin ang sasakyan mo, ang mga personal na gamit mo, at pwede lang tumira sa isang unit sa condo natin sa Makati. Siguro naman ay hindi pa rin ako masamang ama para sa iyo niyan."

ikaw pa rin:chapter 23

CHAPTER 23:

Pinalipas ni Devon ang oras sa pamamagitan ng pagkukulong sa kanyang kwarto. Hindi siya mapakali dahil ang isip niya ay sakop nina Ann at Samuel. Marahil ay nadagdagan na naman ang kasinungalingan ni Ann. Siguro ay nagdagdag na nama nito ng istorya kay Samuel. Tiyak na masama na naman siya sa paningin nito.

    Tumunog ang cellphone niya. Si James ang tumatawag. Tinanong nito kung gusto niyang kumain sa labas. Susunduin daw siya nito. Para malibang at matakasan kahit pansamantala ang sakit ng kalooban ay pumayag siya.

    Naabutan niyang kausap ni James si Samuel sa sala ng bumaba siya. sinadya niyang umabrisete kay James. Gusto niyang saktan si Samuel.

    Gabi na ng ihatid siya ni James. Hindi muna siya bumaba ng kotse nito at nakipakwentuhan muna rito.

    "Kumusta na ba ang status ko riyan sa puso mo??" tanong nito.

    "Tatapatin kita, James. I Like you and I appreciate your kindness, your being a gentleman. But I could not take you for more than a friend," prangkang sabi niya.

    "Well, I like your honesty. Masakit pero wala akong magagawa. Hindi naman kasi madaling turuan ang puso. Pero sana, maging magkaibigan pa rin tayo. Hayaan mong dalaw-dalawin kita."

    "Sure. And thanks for being a sport," nakangiting sabi niya.

    Hinawakan nito ang palad niya at hinalikan. Kapagkuwan ay bumaba it ng sasakyan, lumipat sa gawi niya at pinagbuksan siya ng pinto.

    Nang wala na ito ay pumasok na siya sa bahay. Dire-diretso siya hanggang makarating siya sa kanyang silid.

Huwebes, Mayo 26, 2011

ikaw pa rin:chapter 22

CHAPTER 22:

Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay namataan ni Devon si Ann na naliligo sa pool. Nagmamadaling nagpalit siya ng swimsuit. Pinatungan lang niya ito ng roba, humablot ng isang twalya at lumabas na siya ng silid niya.

    "Good morning, Ann. It's hot. Masarap magbabada sa tubig, diba?? Can I join you??"

    As usual, may takot na lumarawan sa mukha nito. Naisip niyang ganoon talaga ang mga taong guilty.

    "S-sige. Ikaw naman. Anyway, kanina pa ako." Umahon na ito.

    Pinigilan niya ito sa braso. "Why are you avoiding me, Ann?? It's been five years. Matagal tayong hindi nagkita. Hindi ba dapat kumustahin mo ako??"

    "Let me go, Devon. May lakad pa ako."

    "Come on, Ann. Bakit hindi mo aminin na kaya ka umiiwas ay dahil natatakot ka ha?? Bakit?? Natatakot ka bang malaman ni Samuel na palabas mo lamang ang eksena sa kwarto ni Clifford limang taon na nag nakalipas?? Don't worry, wala akong planong ipagtapat sa kanya iyon. Anyway, malaki ang tiwala niya sayo. Mas kapani-paniwala ka para sa kanya. So be it. Pero hindi kita titigilan hanggang narito ako. Hanggang ikaw mismo ang magtapat ng kasalanan mo."

    "Stop it, will you?!" sigaw nito.

    "Anong kaguluhan 'to??" tanong ni Samuel na hindi nila namalayan ang paglapit.

    "Ask your dearest cousin. Anyway, tiyak naman akong maniniwala ka sa anumang sasabihin niya," sagot niya.

    Tumingin ito kay Ann.

    "Ahm, Samuel, I have to go. May lakad ako ngayon," paiwas na sabi ni Ann.

    "Stay here for awhile. Magpaliwanag ka. Ano'ng nangyari dito??" tanong nito.

    Iniwan niya ang mga ito. Bahala na si Ann kung anuman ang sasabihin nito kay Samuel. Wala na siyang pakialam. Tutal, salita lang naman ni Ann ang pinaniniwalaan nito.